ON AIR BLINKGUSTO KO ASTIG

DJ EQUALIZER

SAGIP KA-ASTIG PROJECT   

Kamakailan ay sinalanta ng Bagyong Lando na may international name na Koppu ang Pilipinas partikular sa Gitang Luzon pati na rin sa Hilagang Luzon at Kalakhang Maynila. Sa kabila ng maagang abiso ng mga awtoridad at paghahanda ng mga residente sa mga grabeng tinamaan ng bagyo, nag-iwan parin ito ng pinsala sa kanilang ari-arian, kabahayan at kabuhayan dahil sa baha at malakas na hanging idinulot nito. Dahil sa pangyayaring ito, agad na inilunsad ang SAGIP KA-ASTIG Project ng 90.5 Heart FM kasama ang Global Intergold, Jeddah. Layunin ng proyektong ito ang magpaabot ng tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods sa mga nasalantang kababayan natin sa Nueva Ecija. Pinangunahan ito ng mga ka-astig natin na sina Sharon Quebral Mata (Dj Kembot Queen), Jonell Manganti (DJ Gwapito), Mary Ann Lazos ( Maybahay ni DJ Papa Prinze), George Alonzo na nanggaling pa sa Ilocos Norte. Sa pakikipag-ugnayan sa mga lider ng lugar, tatlong barangay ang inabot ng projektong ito, ang Brgy. San Vicente, Barangay Pambuan at Barangay Gen. Trio. Kasama ang mga katagang One Team, One Family, One Heart, 500 pamilya ang umuwing may ngiti at pag-asa sa kanilang mga mukha. Mula sa aming General Manager na si Tita Aida Atanante, Radio Administrator Jun Lazos at sampu ng mga Djs at moderators ng 90.5 Heart FM, lubos po ang aming pasasalamat sa mga taong nakiisa at nakipagtulungan para maisakatuparan ang aming layuning makatulong hindi lamang po sa pamamagitan ng mga musika kundi pati narin sa pagpapaabot ng tulong sa mga nangangailangan. Kami po ay kasama ninyo sa saya at sa oras ng pangangailan, handa po kaming abutin ang inyong mga kamay sa abot n gaming makakaya. Isang natatanging pasasalamat po kina Brgy. Captain Emerson Pascual at kanyang maybahay kasama ang buong miyembro ng kanyang konseho, Kay Ginang Mary Ann Tienzo at kanyang mga kasama at sa lahat po ng nakasama namin at sumuporta sa katatapos lamang na Launching namin noong nakaraang buwan kung saan ang bahagi ng nalikom na halaga ang ginamit sa proyektong nabanggit. We are one team, one family with one heart. Kasiyahan at pagpalain nawa tayo ng Puong Maykapal.

By Edz Joaquin [Dj Toomee Tambay]

12190822_468033810067545_855457874999629659_n

12190992_468033516734241_3398055715050898908_n

12191980_1018331648187734_4969561255266939768_n

12189137_468034633400796_602565245494602699_n

12190822_468033810067545_855457874999629659_n